-- Advertisements --

Natagpuan ang mahigit 200 pilot whales sa kanlurang bahagi ng Australia na kasalukuyang stranded sa isang beach at sa sand bank.

Sinabi ng Tasmania Parks and Wildlife Service sa isang pahayag na tinatayang halos kalahati naman ng mga hayop ay buhay.

Ayon rin sa mga eksperto hindi ito ang unang pagkakataon na nangyari ang pagka-stranded ng mga balyena sa Tasmania.

Ngunit kahit na ganon, nababahala pa rin sila dahil noong nakaraang linggo isang dosenang batang sperm whale ang natagpuang patay sa isa pang beach malapit sa sand bank.

Pinaniniwalaan naman na bahagi lang ito ng bachelor Pod. (with reports from Bombo Chill Emprido)