KORONADAL CITY- Daan-daang mga elementary grade pupils sa ngayong ang pinangangambahang malagay sa delikadong kondisyon matapos na mahawaan ng covid-19 delta variant sa bansang Israel.
Ito ang ibinahagi sa Bombo Radyo ni Bombo International Correspondent Butch Belo Sampiano, isang care giver na mahigit 10 taon na sa nasabing bansa at tubong lungsod ng Koronadal.
Ayon kay Butch, dahil sa isang foreigner ba umuwi sa bansang Israel na infected ng covid-19 variant ay nahawaan nito ang kanyang anak na pumasom naman sa paaralan nito kaya’t nahawaan din nito ang kanyang mga kamag-aral at guro.
Dahil sa hindi pa nabakunahan ang nasa 16-anyos pababa sa nabanggit na bansa ay agad ba ipinag-utos ng gobyerno ang pagbabalik sa pagsuot ng face mask lalo na sa mga mataong lugar.
Dagdag pa ni Sampiano, dalawang buwan ba sana ba ini-enjoy ng mga taga Israel at maging ng mga OFWs doon ang di pagsusuot ng face mask dahil sa mataas na porsiyento na ng nabakunahan ngunit sa ngayon ay balik na naman sila sa pagsusuot nito.
Sa ngayon halos lahat na mga Pinoy care givers doon ay nabakunahan na ngunit may naitala pa rin na 2 pinoy na namatay dahil sa virus.