-- Advertisements --

KALIBO, Aklan – Sa kabila ng patuloy na paalala sa mga foreign tourist na huwag ang mga ito magdala ng meat products mula sa kanilang bansa kung pupunta ng Pilipinas, mayroon pa ring matitigas ang ulo.

Ito ay kasunod sa pagkakumpiska ng nasa 178.8 kilograms na pork and meat products sa Kalibo International Airport dala ng mga turistang Chinese papuntang Boracay upang magbakasyon.

Ang nasabing produkto ay agad sinunog ng mga kawani ng Department of Agriculture’s Bureau of Animal Industry-Veterinary Quarantine Services sa Kalibo sanitary landfill.

Una rito, nakapag-disposed ang naturang ahensya ng halos 394.4 kilograms matapos matuklasan na isinasama ng mga bakasyunista sa kanilang mga bagahe partikular sa mga hand carry bag na nagbabakasakaling makalusot sa X-ray scanner machine sa paliparan.

Nabatid na nananatiling ipinagbabawal ng Deparment of Agiculture ang pag-import ng pork and meat products sa Belgium, Latvia, Mongolia, Laos, Zambia, Hong Kong, North Korea, Hungary, Moldova, South Africa, Poland, Cambodia, Vietnam, Bulgaria, Romania, Czech Republic, Russia, Ukraine at Germany, na pinangangambahang apektado ng African swine fever.