DAVAO CITY – Nasa halos 150 mga kinatawan mula sa iba’t ibang mga Japanese companies ang naghayag ng interes sa mga investment opportunities sa lungsod ng Davao lalo na sa larangan ng manufacturing, agri-tourism at environment-related projects.
Dumalo ang mga potential investors sa tatlong araw na Davao Japanese Community’s 100th Anniversary Business Seminar upang maghanap ng posibleng mga business ventures sa siyudad.
Sinabi ni April Marie Dayap, head ng Davao City Investment and Promotion Center (DCIPC), ang mga kalahok sa 3-day business seminar na nagtapos nitong Biyernes ang kadalasang nagtanong kung saang parte ng siyudad mas mainam na maglagak ng negosyo.
Ang nasabing event ay isang malaking oportunidad para sa lungsod upang mapalawak pa ang foreign investment portfolio nito at upang magkaroon rin ng mas maraming trabaho para sa mga Dabawenyos.
Sa kabilang banda, binisita naman ng mga opisyal mula sa Kitakyushu, Japan ang ilang mga magagandang lugar sa lungsod.
Isinagawa ang pagbisita ng mga nasabing mga dayuhang opisyal atol sa ika-100 anibersaryo ng Davao-Japanese community sa pangunguna mismo ng Mayor nito na si Hon. Kenji Kitahashi.
Layunin ng pagbisita na mas patibayin pa ang relasyon sa pagitan ng Kitakyushu at lungsod ng Davao.