-- Advertisements --

Lumala pa ang nangyayaring gulo sa pagitan ng Israeli police at Palestinian protesters mula ng mag-umpisa ang ramadan.

Nitong linggo, pinagbabato ng mga Palestinian protesters ang mga Israeli police sa Sheikh Jarrah habang gumanti naman ang mga police ng stun grenades at water cannon kung saan nasa mahigit 20 Israeli police habang daan-daang mga Palestinians ang nasugatan sa nakalipas na tatlong araw.

Denipensahan naman ni Israel Prime Minister Benjamin Netanyahu ang naging aksyon ng mga otoridad laban sa mga protesters.

Nauna rito, mariing tinututulan ng mga Palestinian ang pagpapalayas sa mga Palestinian families sa Sheikh Jarrajh district ng East Jerusalem na nakatakda sanang isagawa ngayong araw ang pagdinig subalit naantala dahil sa nangyayaring kaguluhan.