DAVAO CITY – Muling binaha ang ilang parte ng lungsod matapos na bumuhos ang malakas na ulan.
Ilan sa mga apektadong lugar ay ang Talomo proper at Puan nitong lungsod na una ng binaha noong nakaraang buwan.
Agad naman na nagsara ang mga establisyemento sa nasabing lugar gaya na lamang ng mga drug store at gasoline station.
Umapaw naman ang baha sa Temporary bridge ng Matina Pangi dahilan na maraming residente ang apektado.
Maraming residente sa lugar ang agad na lumikas kasabay ng pagpapatunog ng alarm system matapos na isinailalim sa code red ang ilog.
Kabilang rin sa mga nag-overflow ang creek sa Purok 9, Barangay Tacunan sa Mintal habang ang mga residente sa Catalunan Pequeño at Brgy. Sto. Niño, Tugbok ang agad na lumikas dahil sa mabilis na pag-akyat ng tubig-baha.
Problemado naman ang ilang mga residente lalo na ang mga naninirahan sa Talomo proper dahil bago lamang sila nakabangon matapos ang matinding pagbaha sa nakaraang buwan kung saan marami sa kanilang propedad ang nasira.