-- Advertisements --
Mahigit 300 participants umano ang kakailanganin ng gobyerno para sa isasagawa nitong clinical trial sa paggamit ng melatonin bilang supplementary treatment laban sa COVID-19, ayon sa Department of Science and Technology (DOST).
Ayon kay DOST Secretary Fortunato Dela Peña, naobserbahan nila na ang mga severe cases na kanilang binibigyan ng melatonin ay nagkakaroon ng improveme. Ibig sabihin nito ay hindi sila masyadong nagde-deteriorate kung saan kailangan na nilang i-intubate.
Una nang inanunsyo ng DOST na naglaan ito ng P9.8 million na budget para sa nasabing clinical trial, batay na rin sa suhestyon ng Manila Doctors Hospital.
Aminado naman si Dela Peña na magiging mahaba pa ang trial dahil mahigit 300 participants lamang ang kailangan.