DAVAO CITY – Nabigla ang mga pasahero ng lantsa at mga bangka matapos
na hindi na pinayagan makapagbiyahe sa karagatan ng Davao ang mga lantsa at mga bangkang walang mayor’s permit.
Pursigido ang Philippine Coast Guard (PCG) Davao na hindi papayagan ang mga pampasaherong mga sasakyang pandagat na walang mayor’s permit sa lungsod.
Ang nasabing mga sasakyang pandagat ay may ruta ng Davao City papuntang Island Garden City of Samal at pabalik.
Sa operasyon na sinimulan kahapon ng mga alagad ng batas umabot sa 50 mga pampasaherong mga sasakyan pandagat ang hindi na pinayagang makapaglawig hangga’t hindi makakakuha ng business permit mula sa lungsod.
Ilang taon ding pinabayaang hindi kumuha ng mayor’s permit ang mga nasabing mga bangka at mga lantsa.
Nananatili naman sa Sta. Ana Wharf ang mga pinigilang mga bangka at mga lantsa.