-- Advertisements --
BAGYONG KARDING PANTALAN STRANDED

Umabot na sa 400 ang mga pasaherong stranded ngayon sa pantalan ng Pio Duran sa lalawigan ng Albay matapos na itaas na ang signal number 1 dahil sa sama ng panahon na dala ng Bagyong Karding.

Ayon kay Noel Ordoña ang chief ng Pio Duran Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC), sarado na ang pantalan kung kaya nananatili sa ngayon sa lodging house at mga hotels ang mga stranded na pasahero.

Naghahanap na rin ang lokal na gobyerno ng iba pang lugar na posibleng pansamantalang matuloyan ng mga biyahero na maaring dumating pa sa lugar.

Maliban sa mga pasahero, nasa 48 mga sasakyan ang stranded rin kabilang ang 18 trucks at 30 mga kotse.

Panawagan naman ng opisyal sa mga biyahero na papunta sa Pio Duran port na tumigil na sa pagbiyahe upang hindi na dumagdag pa sa bilang mga stranded.