-- Advertisements --
Stranded ang nasa 400 pasahero nitong Martes sa may North Port Passenger Terminal sa Manila matapos kanselahin ang biyahe sa dagat dahil sa typhoon Egay.
Pansamantalang kinansela muna ang paglalayag patungong Bacolod, Cebu, Zamboanga, Butuan, Dipolog, Cagayan, at Puerto Princesa.
Gayundin, sinuspendi ang biyahe ng 24 na bus na patungong Mindoro sa may Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX), kung saan apektado ang aabot sa 1,000 pasahero.
Kanselado na rin ang biyahe patungong Northern Samar dahil sa masamang lagay ng panahon.
Sa datos mula sa Philippine Coast Guard nasa kabuuang 8,000 ang stranded na mga pasahero sa lahat ng pantalan sa bansa dahil sa bagyo.