TACLOBAN CITY- Daan-daang pasahero na sa ngayon ang stranded sa mga pantalan ng Eastern Visayas partikular na sa Northern Samar dahil sa hagupit ng bagyong Jolina.
Ayon kay Chief Petty Officer Carlito Dela Calzada ng PCG Northern Samar, sa ngayon ay aabot na sa 728 ang stranded na mga pasahero gayundin ang 300 na mga heavy cargoes, 116 lights cars, pitong mga bus at ilang mga sasakyang pandagat ang hindi pinayagang magbyahe.
Samantala, suspendido na rin ang pasok at trabaho sa maraming lugar sa eastern visayas at ilang mga pagbaha na rin ang naitala partikular na sa bahagi ng Eastern Samar.
Wala na ring kuryente sa malaking bahagi ng rehiyon sa ngayon.
Sa ngayon ay patuloy ang ginagawang pagbabantay ng mga otoridad sa buong rehiyon kaugnay sa patuloy na paghagupit ng bagyong Jolina.