Pinakawalan sa karagatan ang kabuuang 256 baby pawikan o sea turtles.
Ang mga ito ay magkakahiwalay na pinakawalan sa mga lalawigan ng Quezon at Batangas.
Sa Brgy. Bignaydos, Sariaya, Quezon, 98 pawikan ang pinakawalan habang 158 naman sa Brgy. Puting Buhangin sa San Juan, Batangas.
Ang naturang inisyatiba ay sa pagtutulungan ng Coast Guard District Southern Tagalog (CGDSTL), 512th Coast Guard Auxiliary Squadron sa pamamagitan ng conservation effort ng Coast Guard Station Batangas, CGDSTL Veterinary and Dental Services, Environment and Natural Resources office ng iba’t-ibang LGU, at mga lokal na komunidad.
Batay sa mga pag-aaral, ang Pilipinas ay isa sa mga pangunahing tahanan ng mga pawikan.
Lima muli sa pitong uri ng pawikan na matatagpuan sa buong mundo ay nasa Pinas. Lahat ng mga ito ay nanganganib nang mawala o maglaho dahil sa iba’t ibang kadahilanan.