-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Nag-deploy ng maraming mga pulis ang Espanya matapos matalo ang kanilang national football team sa koponan ng Morocco kagabi sa round of 16 na ginanap sa Education City stadium sa Qatar kungsaan naitala ng Morocco ang score na 3-0 sa pamamagitan ng penalty shoot out.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Bombo international correspondent Eva Tinaza direkta mula sa Espanya, na maraming mga Moroccans sa Spain ang nagdiwang sa pagkapanalo ng kanilang koponan na inalmahan naman ng mga Espanyol lalo na’t unang pagkakataon ito na nakapasok sa quarterfinals sa FIFA World Cup ang Morocco.

Kung sa kanila umanong mga local games ay nagkakagulo na ang mga fans, inaasahan narin ng mga otoridad na magaganap ito sa World Cup kung kaya’t bago pa man nagsimula ang laro ay may daan-daang mga pulis na ang naka-detail sa mga daan ng Espanya.