-- Advertisements --

ILOILO CITY – Hindi pa rin nabibigyan ng tulong ng AC Energy ang daan-daang mga residente na apektado ng oil spill sa Bo. Obrero, Lapuz, Iloilo City.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Punong Barangay Ricardo Diño Jr., sinabi nito na marami pang mga hinihinging dokumento ang nasabong kumpaniya bago bigyan ng cash assistance ang mga residente.

Hindi naman matiyak ng opisyal kung magkano ang ibibigay na halaga ng kumpaniya sa mga mangingisda at vendors na apektado ng oil spill.

Matandaan na apat na buwan na ang nakaraan matapos sumabog ang power barge na may laman na 300,000 liters na bunker fuel kung saan 48,000 liters na langis ang tumagas sa baybayin ng Iloilo at Guimaras.