NAGA CITY – Daan-daang mga riders ang sumama sa unity ride kaninang madaling araw na nagsimula sa Kampo Crame at magtatapos sa kampo mismo ng 9th Infantry Division, Philippine Army sa Bicol.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Col. Paul Regencia, tagapagsalita ng naturang dibisyon, sinabi nitong layunin ng naturang aktibidad na mas palakasin pa ang pagkakaisa at katahimikan sa rehiyon.
Ayon kay Regencia, binibigyan nito ng importansya na wakasan na ang kaguluhan at mga armed conflict sa Bicol.
Nabatid na sasabayan ang aktibidad ng mga riders mula sa iba’t ibang lugar sa rehiyon at mga tropa ng gobyerno.
Umaasa naman ang army official na hindi makikisawsaw sa aktibidad ang mga rebeldeng grupo dahil hindi naman aniya nila aktibidad ang unity ride kundi 99% dito ay mga civilians.