-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Mahaba pa rin ang pila ng mga stranded rolling cargoes at mga pasahero na biyaheng Visayas at Mindanao na nagnanais na makatawid sa pantalan ng Matnog sa Sorsogon.

Hanggang ngayon, problema pa rin ang nasirang vessel ramp at kaunting shipcalls.

Kaugnay nito, pinakinggan ng Land Transportation Office (LTO) Bicol ang hiling ng Matnog PNP na magbaba ng travel advisory na humihinging ikansela o mag-reschedule muna ng biyahe.

Ayon kay LTO Bicol Regional Director Francisco Ranches Jr. sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, hinihintay lamang umano kasi na muling ma-normalize ang biyahe at mabawas-bawasan ang haba ng mga nakapila.

Bukod pa rito, nagdudulot na rin ng pagsisikip sa daloy ng trapiko ang linya lalo pa’t karamihan ay nakatengga sa national highway.

Sa pinakahuling tala na hawak ng LTO Bicol, halos 800 sasakyan at nasa 5, 000 pasahero ang stranded sa pantalan.