-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Patuloy na pinag-aaralan ng mga eksperto sa Soccsksargen ang rason sa likod ng daan-daang sinkhole na na-diskubre sa buong rehiyon.

Ayon kay Ariel Acosta, supervising geologist ng Mines and Geosciences Bureau (MGB)-Region 12 na higit 1,000 sinkhole ang kanilang nakita sa bayan ng Lebak, Sultan Kudarat.

Nasa 500 naman ang sa Maasim, Sarangani; at Lake Sebu, South Cotabato.

Nabatid ng MGB regional office na ilang lugar sa Soccsksargen ang nakapagatala ng “coastal erosion” sa gilid ng mga coastal areas.

Dati ng inilikas ang mga residente ng Putok Tinago, Brgy. South, General Santos City dahil sa coastal erosion noong nakaraang taon.