-- Advertisements --
Layunin umano nitong ipanawagan ang pagbibitiw ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa gitna ng nagpapatuloy na paggalugad ng kapulisan sa KOJC compound sa Davao city.
Mga tauhan naman ng PNP naman ay nakadeploy na sa lugar at nakaalerto para tiyakin ang seguridad.
Tiniyak din na papairalin ang maximum tolerance.
Humigit kumulang 100 kapulisan ang nakatalaga sa lugar para masigurong hindi magdudulot ng abala sa ibang mamamayan sa syudad.
Ayon kay Manila PCP Commander PMaj. Fredwin Sernio, hahayaan nila ang grupo na kumilos hangga’t hindi ito nagiging sanhi ng kaguluhan sa kabuuan ng nasabing rally.