NAGA CITY- Daan daang supporters ni Vice President Leni Robredo ang dumalo at nakiisa sa isinagawang Solidarity Gathering sa lungsod Naga.
Ito’y kaugnay ng pagsalubong ng mga ito sa resulta ng electoral protest na inaasahang sasapubliko bukas, Oktubre 15.
Iba’t ibang aktibidad rin isinagawa sa Jesse M. Robredo Coliseum na siyang venue ng tulad ng Zumba para kay Leni na natapos kaninang alas 5:00, Prayer for Justice Fairness and Truth for the PET Recount Results mamayang alas 7:00 at Lightning of candles at community singing.
Nabatid na nakilahok rin ang mga officials ng lokal na pamahalaan ng lungsod maging ang mga Brgy. officials mula sa iba’t ibang barangay.
Maaalala na isasagawa sana ang naturang aktibidad noong nakaraang linggo ngunit hindi natuloy matapos ipagpaliban ng Presidential Electoral Tribunal ang pagsapubliko ng resulta.