-- Advertisements --
Image © Typhoon.ph

TACLOBAN CITY – Kinansela na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang lahat ng biyahe ng mga sasakyang-pandagat sa mga port ng Northern Samar dahil sa nakataas na signal No. 1 dulot ng Bagyong Tisoy.

Ayon kay Lt. Paterno Belarmino Jr., station commander ng PCG-Northern Samar, base sa kanilang pinakahuling datos ay aabot na ng 831 pasahero ang na-stranded sa mga Allen Port samantalang 277 cargo vessel ang hindi na rin nakabiyahe.

Suspendido rin ang biyahe ng mga sasakyang-pandagat mula Ormoc City at Naval, Biliran patungong Cebu City dahil sa masamang lagay ng panahon.

Samantala, nagpalabas ng executive order ang ilang lokal na pamahalaan sa Eastern Visayas na nagsususpinde sa pasok sa ekswela at trabaho ngayong araw para sa seguridad na rin ng mga estudyante at mga manggagawa. Ilan sa mga ito ang:

-Alangalang, Leyte (Elementary to High School)
-Palo, Leyte (Elementary and High School)
-Mayorga, Leyte (All Levels)
-Babatngon, Leyte (All Levels)
-Tabango, Leyte (All Levels)
-Tanauan, Leyte (Pre-elem to High School)
-Samar State University, Samar
-Calbayog City, Samar (All Levels)
-Catbalogan City, Samar (All Levels)
-Basey, Samar (All Levels)
-Zumarraga, Samar (All Levels)
-Daram, Samar (All Levels)
-Sta. Margarita, Samar (All Levels)
-Villareal, Samar (All Levels)
-Calbiga, Samar (All Levels)
-San Jorge, Samar (All Levels)
-Marabut, Samar (All Levels)
-Tagapul-an, Samar (All Levels)
-Matuguinao, Samar (All Levels)
-Tarangnan, Samar (All Levels)
-Gandara, Samar (All Levels)
-Talalora, Samar (All Levels)
-Paranas, Samar (All Levels)
-Guiuan, Eastern Samar (All Levels)
-Taft, Eastern Samar (All Levels)
-Llorente, Eastern Samar (All Levels)
-Arteche, Eastern Samar (All Levels)
-Biliran, Biliran (All Levels)
-Caibiran, Biliran (All Levels)
-Kawayan, Biliran (All Levels)
-Almeria, Biliran (All Levels)
-Culaba, Biliran (All Levels)
-Maripipi, Biliran (All Levels)
-Naval, Biliran (All Levels)
-Cabugcayan (All Levels)
-Province of Northern Samar (All Levels)
-Province of Eastern Samar (All Levels)
-Province of Leyte (Elementary to High School)

Sa kabilang dako, naka-preposition na rin ang relief goods ng ilang mga local government units na ibibigay sa mga residente at handang handa na rin ang ilang mga evacuation centers na tutuluyan ng mga indibidwal na maaapektuhan ng bagyo.