-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Nakiisa ang daang daang mga deboto ng itim na Nazareno mula sa ibat ibang bayan at Lungsod sa lalawigan ng Isabela sa isinagawang traslacion sa Lunsod ng Ilagan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Sherwin Ballog, head ng City Traffic Management Group at National Coordinator ng Black Nazarine, sinabi niya na dumoble ang bilang ng mga debotong nakilahok sa traslacion ngayong taon na umabot sa mahigit tatlong daang taong katao.

Aniya maging mga may edad,PWD at mga Kabataan ay nakilahok sa prosisyon nang nakayapak bitbit ang kani-kanilang panalangin at kahilingan sa itim na Nazareno.

Ayon pa kay Ginoong Balloga maliban sa mga naghahagis ng kanilang mga tuwalya ay binabasbasan rin nila ang mga sanggol na inilalapit ng kanilang mga magulang sa Andas ng Itim na Nazareno.

Alas tres ng hapon ng simulan ang prosisyon at natapos ng dakong alas-nuebe ng Gabi.