TACLOBAN CITY – Aabot sa higit isang daang mga myembro at supporters ng New People’s Army (NPA) kasama na ang ilang barangay officials ang boluntaryong sumuko ha 19th Infantry Battalion sa Matuguinao, Samar.
Sa ginanap na mass surrender sa nasabing munisipyo, aabot sa 56 na myembro nga Batakang Organisasyong Pangpartido (BOP), 50 na myembro ng Yunit Milisya (YM), at labindalawa (12) myembro ng Organisadong Masa ang nangakong ibabalik nila ang kanilang suporta sa pamahalaan at di na muling magpapalinlang sa mga NPA.
Kasama din sa mga sumuko ang siyam na brgy chairman at ilang kagawad ng barangay.
Ayon kay Matuguinao Mayor Aran Boller nais nila na sumuko na lahat ng NPA at supporters ng mga ito sa kanilang bayan upang makamtan nila ang tunay na kapayapaan at maging maunlad ang kanilang lugar.
Hinikayat naman nito ang kanyang nasasakupan na suportahan ang programa ng gobyerno at wag na muling magpalinlang sa mga rebelde.
Sa ngayon ay aabot na higit tatlong daang mga rebelde at supporters ang sumuko sa nasabing bayan mula nung pinalakas ng militar at lokal na pamahalaan ang kanilang anti- insurgency campaign.
Mapapag alaman na ang bayan ng Matuguinao ay isa sa dating stronghold ng mga New People’s Army sa probinsiya ng Samar.