-- Advertisements --

DAVAO CITY – Pinayuhan ni Davao City Mayor Inday Sara Duterte-Carpio ang publiko na iwasan muna ang pagtanggap ng mga bisita na mula sa Cebu at Manila lalo na at mataas pa rin ang kaso ng Covid-19 sa nasabing mga lugar.

Layunin ng nasabing hakbang na maiwasan ang surge ng virus at mapigilan na rin ang pagpasok ng bagong variant ng Covid-19.

Sinabi ng alkalde na may panahon na bumaba rin ang kaso ng Covid sa nasabing mga lugar habang mataas ang kaso sa Davao ngunit sa kasalukuyan kailangan umano na mag-ingat lalo na at bumaba na ang active cases sa siyudad.

Kung maalala isa sa mga hakbang na gagawin ngayon ng lungsod ay ang pagsasailalim agad sa swab test sa mga taong may kaparehong sintomas ng Covid-19 gaya na lamang ng ubo at sipon.