Nakatakdang magpadala ang Estados Unidos ng halos 3,000 dagdag tropa militar at advanced military equipment sa Saudi Arabia bilang hakbang nito upang mas palakasin pa ang kanilang presensya sa Middle East.
Ayon kina Secretary of Defense Mark Esper at Joint Chiefs Chair Gen. Mark Milley, ipinagpapatuloy lamang umano ng administrasyon ang kanilang kampanya na mas lalo pang i-pressure ang Tehran at pa-igtingan pa ang magandang samahan ng US sa Riyadh.
Una nang nagpadala noong Mayo ng dagdag 14,000 military members sa Middle East.
Ilang ulit na ring tinakot ni President Donald Trump ng retaliatory strike at pagpataw ng sanctions ang Iran dahil sa pagtanggi nitong tigilan ang pag-atake.
Sa kabila nito, naniniwala pa rin ang American president na makakapag-seal ito ng kasunduan kasama ang Islamic Republic’s leader upang pagbawalan ang mga ito na magsagawa ng development sa kanilang missile program, nuclear ambitions at maging pagbibigay suporta sa mga terorista.
Umaasa naman ang Pentagon na mailalayo nila ang Iran mula sa naturang rehiyon sa oras na makumpleto na ang kanilang operasyon.
“We thought it was important to send forces to deter and