-- Advertisements --

Tinanggap ngayon ng Pilipinas ang panibagong 889,200 na bagong dating na COVID-19 vaccines na Pfizer.
Ang naturang donasyon sa bansa ay nagmula sa COVAX facility ng WHO.

Ang vaccines ay dumating kaninang hapon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 sakay ng Emirates flight EK332.

Dahil sa naturang dagdag na bakuna ang kabuuang vaccine doses na natanggap na ng Pilipinas ay umaabot na sa 75.59 million.

Mahigit sa kalahati nito ay nagmula sa China na Sinovac vaccines.

Una rito, inanunsiyo din ng Amerika na merong donasyon na 5.5 million Pfizer sa Pilipinas sa sunod na linggo na idadaan din sa COVAX.

Ito ay ide-deliver sa Pilipinas ng limang tranches.