-- Advertisements --
Inaprubahan na ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang Automated Teller Machine (ATM) fee adjustment ng ilang bangko sa bansa.
Ayon kay BSP Deputy Governor Chuchi Fonacier, na may maliit lamang na adjustment ang kanilang inaprubahan.
Tumanggi naman itong banggitin ang mga bangko dahil hintayin nila nag mga indibidwal na bangko ang pagpalabas na ng public advisory.
Posibleng sa buwan ng Oktubre ipapatupad ang nasabing panibagong adjustments.
Nilinaw naman nito na walang karapatan ang mga bangko na magtaas ng kanilang ATM fee dahil kinakailangan aprubahan muna ito ng BSP.