-- Advertisements --
Ipinatupad na ng mga kumpanya ng langis ang panibagong dagdag-bawas sa presyo ng kanilang mga produkto.
Simula kaninang alas-6:01 ng umaga ay mayroong P0.10 sa kada litro ang idinagdag sa gasolina.
Mayroon namang P0.10 sa kada litro ang ibinawas sa kada litro ng diesel at kerosene.
Bumulaga rin ngayong unang araw ng Setyembre ang pagtaas sa presyo ng liquefied petroleum gas (LPG).
Ayon sa Petron, mayroong P0.15 sa kada kilo ng LPG habang mayroong P0.10 kada litro naman ang itinaas ng auto LPG.