-- Advertisements --

Nagsimula na ang ilang kumpanya ng langis sa kanilang dagdag-bawas sa kanilang produkto.

Mayroong P0.20 sa kada litro ng gasolina ang ibabawas habang mayroong P0.20 sa kada litro ng diesel at P0.40 kada litro naman sa kerosene ang itataas.

Hindi naman epektibo ang nasabing pagtaas sa Cavite at Camarines Sur dahil sa ipinapatupad na price freeze.

Mula pa noong Enero hanggang sa kasalukuyan ay mayroon ng P5.47 ang ibinawas sa kada litro ng gasolina habang mayroong P11.11 sa kada litro ng diesel at P14.29 sa kada litro ang ibinawas sa kerosene.