-- Advertisements --

Nakatakda umanong magpatupad ang mga kumpanya ng langis ng dagdag bawas sa presyo ng kanilang mga produkong petrolyo sa susunod na linggo.

Batay sa ilang mga impormante mula sa oil industry, tinatayang nasa P0.20 hanggang P0.30 ang magiging kaltas sa kada litro ng diesel.

Inaasahan namang bababa ng mula P0.30 hanggang P0.40 ang kada litro ng kerosene.

Habang sa presyo naman ng gasolina, may dagdag namang P0.20 hanggang P0.30 sa kada litro.

Karaniwang ipinatutupad ang pagbabago sa presyo ng langis sa araw ng Martes.