-- Advertisements --

Magkakasabay na nagpatupad ng dagdag-bawas sa kanilang produkto ang mga kumpanya ng langis.

Kaninang ala-6 ng umaga ng magpatupad ng P0.70 na dagdag sa bawat litro ng gasolina.

Habang ang diesel ay mayroong bawas na P1.15 sa kada litro.

Mayroon namang bawas na P0.90 sa kada litro ng kersone.

Ayon sa Department of Energy (DOE) na ang nasabing paggalaw ay kasunod ng pahayag ni US President Donald Trump na pababaan ang presyo ng mga langis mula sa mga pangunahing suppliers.

Kabilang din nakita ng DOE ang pagpataw ng US ng mga taripa sa Canada, China at Mexico.