-- Advertisements --
Magpapatupad ng dagdag-bawas sa presyo ng kanilang produkto ang mga kumpanya ng langis ngayong linggo.
Inaasahang maglalaro ng P0.15 hanggang P0.20 sa kada litro ang itataas ng diesel.
Habang mayroong mula P0.40- P0.50 ang ibabawas sa kada litro ng gasolina.
Wala namang paggalaw ang kerosene.
Ipapatupad ang nasabing dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong langis sa araw ng Martes.