Inaasahang magpapatupad ng dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo ang mga kompaniya ng langis sa susunod na linggo.
Batay sa 4 days oil trading mula Agosto 14 hanggang 17, sinabi ni Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodelo Romero na inaasahang ang presyo ng gasolina ay maaaring tumaas ng P0.90 hanggang P1.20 kada litro.
Sa sa presyo ng Kerosene ay maaaring tumaas ng P0.40 hanggang P0.70 kada litro.
Habang sa presyo ng Diesel naman maaaring walang adjustment o rollback na P0.20 kada litro.
Ito na ang ikaanim na sunod na linggo ng pagtaas para sa presyo ng gasolina at ikapitong sunod na linggo ng pagtaas naman para sa kerosene.
Ang inaasahang dagdag bawas sa presyo ng petroleum products ay nauugnay sa paghina ng ekonomiya ng China at unti-unting pagbaba ng demand sa langis na mga palatandaan naman ng muling pagsipa ng inflation sa US, mas malakas na dolyar, at mas malaki kaysa sa inaasahang paglalabas mula sa imbentaryo ng US.
Inaasahang iaanunsyo ang opisyal na price adjustments ng mga kompanya ng langis sa araw ng Lunes at ipapatupad sa susunod na araw.