-- Advertisements --

Asahan ang panibagong dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Ayon sa Department of Energy-Oil Industry Management Bureau (DOE-OIMB) na mayroong pagtaas ng P0.10 hanggang P0.30 sa kada litro ng gasolina.

Habang ang diesel at kerosene ay asahan na magbabawas ang presyo mula P0.40 hanggang P0.70 sa kada litro.

Ang nasabing pagtaya ay base na rin sa resulta ng apat na araw na trading sa global oil market.

Maaring magbago pa aniya ang nasabing mga halaga dahil inaanunsiyo ng mga oil companies ang pagbabago tuwing araw ng Lunes at kadalasang ipinapatupad ito sa araw ng Martes.