-- Advertisements --

Inaasahang magpapatupad ang mga kompaniya ng langis ng dagdag bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa unang linggo ng Disyembre ayon kay Department of Energy (DOE) Oil Industry Management Bureau director Rino Abad.

Sa gasolina, tinatayang magkakaroon ng umento na P0.50 hanggang P0.80 kada litro.

Sa diesel naman, inaasahan ang bawas na P0.10 hanggang P0.30 kada litro habang sa kerosene, inaasahang magkakaroon ng tapyas na P0.10 hanggang P0.30 kada litro.

Inaasahan na iaanunsiyo ng mga kompaniya ng langis ang paggalaw sa presyo ng mga produktong petrolyo sa araw ng Lunes at ipapatupad sa araw ng Martes.

Samantala, ayon kay Dir. Abad, inaasahan ng DOE ang pandaigdigang oversupply ng langis at mababang demand sa unang kwarter ng 2025.