-- Advertisements --
image 739

Asahan ng mga motorista ang dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Base sa data mula sa 4-day oil trading, sinabi ni Department of Energy-Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero na inaasahang magkakaroon ng rollback na P1.60 hanggang P1.90 sa kada litro ng gasolina.

Sa diesel naman, posibleng walang paggalaw o magtataas ng P0.10 hanggang P0.20 kada litro.

Habang sa kerosene naman, inaasahang magpapatupad ng rollback na P0.40 hanggang P0.60 kada litro.

Paliwanag ng DOE official na ang inaasahang rollback sa sa ilang produktong petrolyo ay bunsod ng pagtaas ng interest rates, mas mataas na halaga ng US dollar at pagluluwag ng fuel import ban ng Russia.

Habang ang ilan naman sa mga factor ng pagtaas sa petroleum products ay ang pagpapalawig pa ng boluntaryong pagtapyas ng produksiyon ng Russia at Saudi hanggang sa katapusan ng Disyembre 2023.

Inaasahang iaanunsiyo ng mga kompaniya ng langis ang opisyal na presyo ng mga produktong petrolyo sa Lunes at ipapatupad naman sa Martes.