-- Advertisements --
Inaasahang magpapatupad ang mga kompaniya ng langis ng dagdag bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Sa gasolina, inaasahang magkakaroon ng bahagyang tapyas na P0.20 hanggang P0.40 kada litro.
Sa diesel naman, maaaring walang pagbabago o may bahagyang pagtaas na P0.20 kada litro.
Sa presyo naman ng kerosene, inaasahang magkakaroon ng bahagyang umento na P0.10 hanggang P0.30 kada litro.
Iniuugnay ang inaasahang dagdag bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa paggalaw ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.
Inaasahang iaanunsiyo ang opisyal na oil price sa araw ng Lunes at ipapatupad sa araw ng Martes.