-- Advertisements --
Inaasahang magpapatupad ang mga kompaniya ng langis ng dagdag bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa unang linggo ng Hunyo ayonsa Department of Energy (DOE).
Base sa 4 day trading ngayong linggo, sinabi ng DOE na posible ng magkaroon ng rollback sa presyo ng gasolina sa P0.60 hanggang P0.90/L.
Sa diesel naman inaasahan na magkakaroon ng umento na P0.40 hanggang P0.60/L.
Sa kerosene naman, inaasahang magpapatupad dagdag presyo na P0.75 hanggang P0.90/L.
Kaugnay nito, inaasahan na iaanunsiyo ang opisyal na paggalaw sa presyo ng mga produktong petrolyo sa araw ng Lunes at ipapatupad sa araw ng Martes, Hunyo 3.