-- Advertisements --
Mayroon good news at bad news para sa mga motorista bukas.
Nakatakda kasing magpatupad ang mga oil companies ng dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo.
Unahin muna natin ang goood news, ayon sa mga energy sources, ang kerosene ay may pinakamalaking bawas na tinatayang aabot sa P2.30 hanggang sa P2.60 kada litro.
Habang ang diesel ay mayroon ding rollback na aabot sa P2.20 hanggang sa P2.50 kada litro.
Hindi naman magandang balita para sa mga gumagamit ng gasolina.
Posible kasing walang paggalaw sa presyo o hindi kaya ay may dagdag namang P0.30 kada litro.
Karaniwang inaanunisyo ang oil price adjustment sa araw ng Lunes at ipinatutupad sa araw ng Martes.