-- Advertisements --
Nagbabadya ngayong linggo ang dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo.
Ayon sa ilang mga taga-industriya, magkakaroon ng dagdag na P0.20 hanggang P0.30 sa kada litro ng gasolina.
May tapyas namang P0.20 hanggang P0.30 sa kada litro ng kerosene.
Habang wala namang paggalaw sa presyo ng diesel.
Karaniwang ipinatutupad ang pagbabago sa presyo ng oil products tuwing araw ng Martes
Paliwanag ng mga taga-industriya, ito raw ay dahil sa taas-baba ng presyo ng produktong petrolyo sa pandaigdigang merkado bunsod ng naghihilahang factors gaya ng paglobo ng coronavirus disease (COVID-19) cases sa China, at ang pagbawas ng imbentaryo ng langis sa Estados Unidos na nagpapataas naman ng presyo.