-- Advertisements --
Inaasahang magpapatupad ng dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis sa bansa sa susunod na linggo.
Ayon sa ilang mga impormante mula sa oil industry, magkakaroon ng tapyas na P0.10 hanggang P0.20 sa kada litro ng gasolina.
May aasahan ding bawas na P0.40 hanggang P0.50 ang kada litro ng diesel.
Samantalang sa kada litro ng kerosene naman, magkakaroon ng P0.50 hanggang P0.60 na taas presyo.
Karaniwang ipinatutupad ang pagbabago sa presyo ng mga produktong petrolyo tuwing araw ng Martes.