-- Advertisements --
Asahan umano ngayon ng mga motorista ang dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Ito’y matapos ang dalawang linggong magkasunod na rollback sa oil prices.
Batay sa mga oil industry sources, maglalaro sa P0.20 hanggang P0.30 kada litro ang magiging tapyas sa presyo ng diesel.
Habang P0.60 hanggang P0.70 naman kada litron ang ibabawas sa presyo ng kerosene.
Samantala, inaasahan naman ang P0.60 hanggang P0.70 kada litro dagdag-presyo sa gasolina.
Karaniwang ipinatutupad sa araw ng Martes ang paggalaw sa presyo ng nasabing mga produkto.