-- Advertisements --

Asahan umano ang dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Sa ulat ng ilang mga impormante sa oil industry, may tapyas na P0.20 hanggang P0.40 sa kada litro ng gasolina.

Posible namang walang paggalaw o umabot lamang ng P0.05 ang bawas presyo sa kada litro ng diesel.

Habang sa presyo naman ng kada litro ng kerosene, magkakaroon ng dagdag presyo na P0.10 hanggang P0.20.

Karaniwang ipinatutupad sa araw ng Martes ang pagbabago sa presyo ng langis sa merkado.