-- Advertisements --
Asahan umano ang dagdag bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Ayon sa ilang impormante mula sa oil industry, may umento na P0.10 hanggang P0.20 sa kada litro ng gasolina.
May dagdag din na P0.15 hanggang P0.20 sa kada litro ng diesel.
Habang may tapyas namang P0.15 hanggang P0.20 sa kada litro ng kerosene.
Karaniwang ipinatutupad sa araw ng Martes ang pagbabago sa oil prices.