-- Advertisements --
Magpapatupad ng dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo ang mga oil companies sa susunod na linggo.
Ayon sa mga energy sources, mahigit P1.00 ang ipatutupad na oil price hike sa kada litro ng gasolina habang may bawas naman sa presyo ng diesel at kerosene.
Ito naman ang ika-10 sunod na linggong magkakaroon ng taas-presyo ang gasolina.
Sa gasolina, posibleng magkaroon daw ng umento sa kada litro na P1.05 hanggang P1.15 kada litro.
Magkakaroon naman ng bawas sa presyon ng kada litro ng diesel na P0.40 hanggang P0.50 kada litro at P0.30 hanggang P0.40 kada sa kerosene.
Karaniwang inaanunsiyo ang oil price adjustment sa araw ng Lunes at ipinatutupad ito sa araw ng Martes.