-- Advertisements --
Magkakaroon ng maghalong dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa unang linggo ng Abril.
Ayon sa Department of Energy, na inaasahan na magtaas ang gasolina ng mula P0.70 sa kada litro.
Asahan naman ang bawas presyo sa kada litro ng diesel ng hanggang P0.95.
Magbabawas din ang kerosene na abutin ng hanggang P1.20 sa kada litro.
Sa araw pa ng Lunes malalaman ang oil price adjustment na kadalasang ipinapatupad sa araw ng Martes.