-- Advertisements --
Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo ang sasalubong sa taumbayan sa unang linggo ng taong 2022.
Magkakaroon ng dagdag presyo na P1.90 hanggang P2 ang kada litro ng gasolina.
Tinatayang aabot naman sa P2.20 hanggang P2.30 ang magiging patong sa kada litro ng diesel.
Habang nasa P1.80 hanggang P1.90 naman ang madadagdag na singil sa kada litro ng kerosene.
Samantala, magtatakda naman ng bawas presyo sa LPG na nagkakahalaga ng P2.55 sa kada kilo ng isang tangke nito.
Ipapatupad mula Enero 4 hanggang Enero 10 ang nasabing dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa.