-- Advertisements --

Nakaumang na rin ang dagdag na buwis sa mga nakalalasing na inumin o alak matapos lamang maipasa sa Kongreso ang dagdag buwis ng sigarilyo.

Sinabi ni Finance Sec. Carlos Dominguez, “work in progress” na rin ang liquor tax increase na bahagi lamang ng sin tax reform program ng gobyerno.

Ayon kay Sec. Dominguez, kailangan lamang munang matalakay ito at maaprubahan ng papasok na 18th Congress.

Kapwa naniniwala sina Sec. Dominguez at Health Sec. Francisco Duque III na dahil sa mabagal na pagtataas sa buwis ng alak at sigarilyo ay nagbibigay-daan sa mga naninigarilyo at manginginom para tangkilikin ang mga nasabing produkto.

Ang makokolekta umanong dagdag na buwis sa mga alak at sigarilyo ay ilalaan sa healthcare program ng gobyerno.