Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang dagdagan ang calamity response fund ng local government units (LGUs) na matinding sinalanta ng mga nagdaang bagyo.
Sinabi ni Sen. Bong Go, aprubado na ni Pangulong Duterte ang nauna nitong hiling na bigyan ng karagdagang local Disaster Risk Reduction and Management Fund ang mga apektadong LGUs na katumbas isang porsyento sa kanilang Internal Revenue Allotments.
Ayon kay Sen. Go, magagamit ng mga nasabing LGUs ang karagdagang pondo para sa pagtugon sa pinsalang iniwan ng kalamidad matapos naubos na ang calamity fund sa COVID-19 pandemic.
Kabilang sa mga matinding sinalanta ng mga bagyo lalo ng Ulysses ang Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bicol Region, Metro Manila at Cordillera Administrative Region (CAR).