Magpapadala umano ang United States ng isang Patriot air defence missile system at warship sa Middle East dahil sa nagaganap na tensyon sa pagitan ng Iran at US.
Tulad ng B-52 bombers ay ipapadala rin sa Middle East ang USS Arlington.
Ayon sa Pentagon, ito raw ay magsisilbing backup kung sakaling bigla na lamang atakihin ng Iran ang US forces sa Middle East.
Hindi naman nagbigay pa ng karagdagang impormasyon patungkol dito ang Estados Unidos ngunit sinigurado nito na nakahanda silang dumepensa laban dito.
“The Department of Defense continues to closely monitor the activities of the Iranian regime,” nakasaad sa inilabas na pahayag ng Pentagon.
Kung matatandaan, noong 2015 nang kumalas si US President Donald Trump sa nuclear deal sa pagitan ng Amerika at Iran.
Kasunod nito ay nangako ang Iran na lilimitahan nito ang ginagawa nilang nuclear activities at papayagan ang mga international inspectors kapalit ng sanction relief sa bansa.