-- Advertisements --
KALIBO, Aklan – Nakatakdang ipamahagi ang dagdag na 18 ektarya ng lupa sa mga katutubong Aeta na benepisyaryo ng agrarian reform beneficiaries at magsasaka sa isla ng Boracay.
Ito ay kasunod ng pagbisita sa isla ni Department of Agrarian Reform (DAR) Sec. John Castriciones.
Kasalukuyan aniyang tinutukoy ang mga benepisyaryo bilang bahagi pa rin ng pangako ni Pangulong Rodrigo Duterte na ibigay ang bahagi ng lupa sa Boracay sa agrarian refom beneficiaries.
Nabatid na noong Nobyembre ng nakaraang taon, halos 623 na certificates of land ownership award (CLOA) ang ipinamigay ng pangulo, kung saan, anim dito ang napunta sa 45 miyembro ng Boracay Ati Tribal Organization (BATO).